Raheel Bhyria: Profile sa PBB Collab 3.0

Raheel Bhyria, PBB Collab 3.0 housemate

Photo: ABS-CBN

Ito ang profile ni Raheel Bhyria sa PBB Collab 3.0, ang Kapuso housemate na kilala bilang “Ang Brusko Boksingero ng Las Piñas.”

Mabilisang Kilala: Raheel Bhyria sa PBB Collab 3.0

  • Buong pangalan: Raheel Bhyria
  • Grupo: Kapuso housemate
  • Official moniker: Ang Brusko Boksingero ng Las Piñas
  • Hometown: Las Piñas
  • Background: Half-Pakistani Sparkle (GMA) artist; napanood sa GMA series na “Kamao”; boksingero

Sa Labas ng Bahay ni Kuya

Tingnan ang post na ito sa Instagram ni @raheel.bhyria

Follow si Raheel sa Instagram: @raheel.bhyria

Tahimik si Raheel sa unang tingin, pero malinaw ang pangarap: makapunta sa Olympics. Inamin niyang ambitious ito, pero trust God at go with the flow daw. Bukod sa boxing ring, siya rin pala ang naging sandalan ng ilang housemates na mas komportable sa Tagalog.

Sa Bahay ni Kuya: Mga Highlight ni Raheel (So Far)

  • Pumasok sa ikalawang batch kasama sina Shea, Robbie at Nicole.
  • Sa kwentuhan nila ni Primo sa unang gabi, ibinahagi niya ang Olympic dream niya bilang boksingero.
  • Ayon kay Lans sa confession room (Day 3), si Raheel ang pinaka-close niya dahil ito lang ang kumakausap sa kanya sa Tagalog.
  • Sa Memory Box sharing (Day 4), tasbih ng tatay niya ang dala niya. Muslim daw sila, at ito ang paalala na laging ipinagdarasal sila ng ama niya.
  • Siya at si Cianne ang unang leaders ng weekly task na The Big Foundation (Day 5).

Fun Facts Tungkol kay Raheel

  • Tinawag siyang “big bro” ni Primo. Sagot niya: “no need.”

Mga Post Tungkol sa Kanya

Tuloy-tuloy naming ia-update ang profile na ito habang tumatagal si Raheel sa bahay. Sino ang manok mo? Silipin ang lahat ng PBB Collab 3.0 housemates dito.

Mga pinagkunan: GMA Entertainment: New House, New Housemates (PBB Collab 3.0 launch); ABS-CBN Entertainment: Meet the Kapuso housemates; PEP.ph: Meet the PBB Collab 3.0 housemates; PBB Collab 3.0 Day 2 Full Episode (Oct 25, 2026), official YouTube; PBB Collab 3.0 Day 3 Full Episode (Oct 26, 2026), official YouTube; PBB Collab 3.0 Day 4 Full Episode (Oct 27, 2026), official YouTube; PBB Collab 3.0 Day 5 Full Episode (Oct 28, 2026), official YouTube. Larawan: ABS-CBN. Unofficial fan blog. Hindi kami affiliated sa ABS-CBN, GMA o Pinoy Big Brother.